| Tanong: |
Saan ako makakakuha ng application forms? |
| Sagot: |
Maaring makakuha ng application forms mula sa opisina ng EBSO o sa mga opisina ng Sergeant Majors ng malapit na military units sa inyong lugar. Maari din na mai-download ang application form sa website ng EBSO. (http://www.afpebso.org.ph) |
| Tanong: |
Ano ang programang puwedeng kong aplayan? |
| Sagot: |
Ang programa na maaring aplayan ay naka-base kung ang sundalo ay KIA, Active o Discharged with CCD. |
| Tanong: |
Ilang slots ang available sa bawat programa? |
| Sagot: |
Ang mga bilang ng slots ay naka-depende sa programang aaplayan. |
| Tanong: |
Ilan ang pwede mag-apply ng scholarship sa isang pamilya? |
| Sagot: |
Kung ang sundalo ay KIA, lahat ng dependents ay automatik na may scholarship. Para sa mga Died in the Line of Duty, Discharged with CDD o Active na sundalo, isang dependent kada pamilya ang maaring mabigyan ng scholarship. |
| Tanong: |
Ano ang ibig sabihin ng dependents? |
| Sagot: |
Para sa kasal na sundalo, anak na may edad 22 pababa o asawa sakaling walang anak. Para naman sa single na sundalo, kapatid na may edad 22 pababa. |
| Tanong: |
Paano kung abutan ng retirement ang pag-aaral ng dependent? |
| Sagot: |
Ang benepisyo ay magtutuloy-tuloy hanggang sa matapos ang programang kinakabilangan ng isang dependent. |
| Tanong: |
Gaano katagal ang proseso ng application? |
| Sagot: |
Kadalasan ang application ay tumatagal ng humigit kumulang sa isang buwan. |
| Tanong: |
Susuportahan ba ang bata hanggang sa makatapos ito mag-aral? |
| Sagot: |
Ang suporta ay nakadepende sa programang kinabibilangan. Kapag natapos ang programang inaplayan at hindi pa tapos ang bata, maaaring mag-aplay muli ito sa ibang programa. |
|
|
Last Updated on Tuesday, 12 January 2010 07:09 |