AFPEBSO NAVIGATOR
   AFPEBSO Home Page
   About AFPEBSO
   Scholarship Programs
   Donors and Partners
   Grantee Portal
   Online Application
   Tales of Heroism
   DONATION Corner

AFPEBSO NEWS

AFPEBSO DOWNLOADS
   Republic Act 6963
   Republic Act 9049
   Presidential Decree 577
   AFPEBSO Application Form
   Application Form [Doc File]
Download Adobe Acrobat Reader
 
 

The AFP Educational Benefit System Office NEWS CORNER...
"LIBRENG EDUKASYON MULING HANDOG NG AFP PARA SA MGA DEPENDENTS NG SUNDALO"
Bilang pagpupugay sa kabayanihan ng mga sundalong Filipino, muling inaanyayahan ng Armed Forces of the Philippines Educational Benefit System Office o AFPEBSO ang buong kasundaluhan at kanilang mga anak o nakakabatang kapatid na mag-aplay sa mga scholarship program na ibinabahagi ng AFP para sa school year 2006-2007.
Mahigit sa 1,000 scholarship slots mula 97 Educational Benefit Programs sa buong Pilipinas ang ipamamahagi ng AFPEBSO sa mga anak, o kapatid kung sakaling binata pa, ng sundalong namatay, nawala, nasugatan sa pakikipaglaban, o sa mga sundalong kasalukuyang nasa serbisyo, partikular na ang mga may kapansanan. May ilang scholarship slots din ang ibabahagi sa mga anak o nakakabatang kapatid ng namatay sa pakikipaglaban na miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliaries o CAFGU.
Magbibigay ang AFPEBSO ng libreng tuition fee, miscellaneous fee, stipend at iba pang tulong pang-edukasyon sa mga qualified dependents, 21 taong gulang pababa, ng mga sundalo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga requirements at proseso ng pag-a-aplay, bumisita lamang sa tanggapan ng AFPEBSO sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City, o tumawag sa 9126922 at 9129606. Ang deadline para sa pagtanggap ng mga aplikante ay hanggang Mayo 03, 2006.
 
 

Copyright © 2006-2007 AFPEBSO, All Rights Reserved HOME | ABOUT US | PROGRAMS | DONORS | BENEFICIARIES | TALES OF HEROISM | DONATION | CONTACT US | MAIL | FAQ | FORUM | LOG IN